Monday, March 28, 2005

ANG GAMOT SA NAGDURUGONG PUSO

Lifted from email

I really don't know how I came up with this... eh una sa lahat wala naman ako prob sa lovelife.... pero wala lang... kahit sabihin kong masaya ako... parang di pa rin ako mapalagay na nakikita at naririnig na sa mundong ito, may mga nasasaktan pa rin... at ang masakit pa nun... ang iba dun ang mga kaibigan ko. I've been hurt so many times na in my life na, minsan pa nga.. mismong kakain ako ng big mac eh te-text ako ng gf ko na pagalit..ayun...sira na nanaman ang araw ko..

Yung mga iba ko namang kaibigan, mas matindi pa ang storya.... pinagpalit daw sila sa iba... kunwari sila ang liligawan, pero yung naglakad pa sa kanila ang siyang nakatuluyan ng lalaki....hanubayun! Whatta sawi moment na maituturing.... pero I made her realize na love is unfair talaga..lalo na pag ikaw ang nadehado. Parang naging survival of the fittest na nga ang nangyayari ngayon sa pag ibig eh... Yung tipong pag maganda ka, gwapo ang makakatuluyan mo, at kapag pangit ka, laking tsamba lang pag may hitsura pa ang napili mo. Eh ako naman di ganun kagwapuhan, di rin cute, minsanlang masabihan na may hitsura, eh di rin pinaligtas ng pag ibig.. haay...puro peklat na talaga tong puso ko.... dahil na rin siguro sa mga
sugat noon.

Ilang taon din akong nagtiis na walang minahal.....or should I say walang nagmamahal sakin? That was the worst period of my life. Yung tipong mahal ko lang ang sarili ko dahil no choice eh.. La naman nagmamahal sakin, wala nga nagkakagusto sakin.. San pa ako? BUT as they always say....IN every cloud, there's a silver lining. Oo tama, dahil sa mga panahong hirap ako sa labylayp.. natutunan ko na rin ang mag survive sa hirap at sakit nadulot ng pag ibig. Nandyan yung aliwin ang sarili sa barkada, pagbabad sa bilyaran o sa computer, pag aliw sa sarili ng ilang oras sa chat... o kaya'y ubusin ng husto ang laman ng ref mo, at sa mga babae naman, eh mag pa parlor, punta sa bahay ng bespren... lahat na para lang makalimutan ang mapait na nakaraan. So ano nga ba talaga ang mga gamot sa nagdurugong puso?

IT IS NOT WHAT YOU DO THAT MAKES THE DIFFERENCE, BUT HOW YOU THINK.

Kahit libutin mo na ang buong luzon para kalimutan siya, kung hindi pa rin magbabago ang mindset mo about love.. sorry dude. WA EPEK... as inwala.. blanko... void.... null... empty set... zero percent...kapos...mintis... airball.... eh bakit?

Material pleasure can't compensate for the pain your heart receives.....and pag ang heart eh nasaktan.. apektado na rin malamang ang utak.. coz they are in mutual status... masaktan ang isa.... masasaktan na rin ang kabila. Try changing your mindset..... kung baga sa computer eh kung panay palpak ang ginagawa ng hardware mo, at nagtataka ka kung bakit nakailang palit kana eh sa karton pa rin ang ending nya, eh baka sa software na mismo ang problema, di ba? Kung basted ka ng babaeng mahal mo..... drinking everynight and bar hopping won't do you good, tska gastos lang yan. Lying in ur bed the whole night and rolling there like a lumpia won't help yah ease the pain. Dapat alam mo na ang gagawin.... PRAY.

Kahit gano ka pa ka demonyo eh sa pagdarasal pa rin ang tuloy mo dude. Totoo yun. Find a time alone na one day, kausapin mo Siya na parang kabarkada mo lang cya.. talk to Him as if kausap mo ang pinaka close na tao sa buhay mo... He can touch the hardest hearts! and the vainest minds. He did that to me and im sure magagawa din nya sa inyo yun. Sa mga iniwanan ng kanilang bf/gf eh wag na wag kayo manonood ng mga movies na may IWANAN na tema.. its like jumping into a quicksand... lalo nyo lang nilubog ang sarili nyo.. sa mga nagsesenti naman... o sige oks lang yan... kasi ako rin ganun e.. di ba nga ang music is the choir of your heart? kahit ga BALDE na ang luha mo kaiiyak sa tune ng One last Cry ni Brian mcKnight eh oks lang un... kahit in reality hindi. Try straightening your goals, point of views, or beliefs. Ano ba talaga ang gusto mo mangyari sa buhay mo? Sa lablayp mo? Siya ba talaga ang mahal mo? Kung siya talaga at di ka nya mahal, is it necessary ba talaga na dapat maging kayo para sumaya ka? Unconditional ba talaga ang love mo for him? Eh bakit naghahanap ka ng kapalit na pagmamahal? Bakit ka nasasaktan pag nalaman mong di ka pala mahal? Ano ba talaga ang definition mo ng loving someone? Bukal ba sa loob mo na masaya ka for her kahit hindi ikaw ang reason ng kanyang happiness? May umiibig bang hindi nabibigo? Pwede ka bang magmahal na hindi nasasaktan? Anong gusto mo, magmahal na masaktan, o hindi mahalin? You see, asking yourself these questions might straighten those curly love lashes of yours. Don't think of your inferiority, yung tipong kesyo pangit ka, may pimples ka, kulang ka sa height, kulang sa pera.... Kasi if the girl or guy dumped you dahil lang sa kakulangan mo sa pisikal na bagay, eh hindi talaga siya deserving na mahalin.. pramis. Ibang tao lang talaga ang bagay para sa kanila. Ikaw ba yung tipong tao na nakikita ang love in a black and white scale? Well...its now the right moment to realize na ang love have gray spots in it.. na hindi lahat ng tama ay tama at di lahat ng mali ay mali. Being not open to these gray spots would spell disaster sa inyong "Getting over" na stage...ano ba talaga tong gray spots na to? Yung tipong people who tend to fallout of love... hindi sa nagsasawa pero bigla na lang nila nalalaman na hindi na pala nila mahal yung gf/bf nila.. there's nothing really wrong about it (sa isang side).. kasi ganun talaga... di naman din nya sinadya na mahalin ka eh.. eh malamang di rin nya sadya ang mawala ang love nya... tamang isipin natin na love is a feeling... but it is not a decision... the decision part comes only when it concerns MAINTAINING the love... so as long as there's a feeling of love.. may decision kang i-maintain yun.... but yun nga.. WHAT'S THE POINT OF MAINTAINING SOMETHING NA WALA NA TALAGA? Eh kung wala nang love... eh wala na talaga. Kung tumagal man kayo, baka awa na lang ang nararamdaman niya to you. That's why it is important na ma clarify mo ang sarili mo sa mga ganitong gray spots.... Wala kang gelplen or boyplen....... SO WHAT'S THE BIG DEAL? sa unang tingin nakakainggit..kasi nga may ka holding hands sila.. may natatawagan para mag ---------- goodnight at i love you at kung anong klaseng panlalambing.... pero kung tutuusin... may kanya kanyang advantage at disadvantage ang pagiging single.

Disadvantages nga ung nabanggit earlier in this paragraph. Ang advantage? You can takecare of yourself, or pag nagaaral ka pa eh you can concentrate on ur thesis...Magagawa mo rin ang di mo magagawa pag meron kayong ka relasyon, tamaba ako? So dont tell me na hindi ka masaya dahil lang sa wala kang gf/bf.... ang dami pang single dyan, and karamihan sa kanila eh masaya din sa buhay nila.. believe me.

Pero we should also take into consideration na masarap din ang feeeling ng na aalagaan.. at minmahal di ba? Well... that's where appreciating what your friends do to you comes into play. Friends or peers will always be there..Yung mga ka barkada mong iniwan mo sa ere para lang dumamubs sa yong girl eh babalik at babalikan mo rin bandang huli.... although hindi talaga healthy na sabihing " Haaay sakit lang sa ulo yang mga lalaki" or "Gastos langang alam ng mga babaeng yan".... we should be fair.... ganun talaga... some will win..some will lose. There's no point getting lost in your life...nakagawa man sila ng mali... sila na ang bahala dun.. they only gave you the opportunity to react... but not the specfic reaction. Kung nasaktan man tayo, hindi na nila problema yun, problema na natin yun. Pag ikaw ba eh nagmukmok sa isang sulok dahil sa ginawa nya eh iiyak ba cya? Hindi. Sa huli ikaw ang kawawa. After a break up..... act and look better. Sa unang rinig eh parang ang hangin ng dating... but the fact is... kailangan mo talaga gawin to.Why? Imagine you just had a break up with your gf or bf.. tapos magpapaka awa effect ka to her... papasuin mo ang sarili mo ng yosi or maglalasing every night or magpupuyat hanggang sa magkaron ka na ng eye bags... tapos bigla ka nakita ng X mo... ano na lang ang sasabihn ng X mo? Kung balikan ka nun eh wag ka na rin matuwa kasi for sure malaki ang probablity nun eh naawa lang cya sayo. Stand tall and proud. HELLO?!?!??! Sino ba cya? As if mamamatay ka pag nawala siya, oo mahal mo siya.... pero kailangan naman mahalin mo rin ang saril mo, a man who can't love himself cannot truly love others..look better not in a way na makakabingwit ka uli ng mga guys pero in a way na hindi ka talaga magmukhang talunan. And besides, pag nagkita kayo, make him/her tell to him/her self... "
Gosh!! Yan ba ung iniwanan ko? How can i let her slip away from me?" O di ba? Kasi kung mukha ka na tlga losyang o dugyot after your break up eh baka lalo lang nya naisip na tama ang naging break up nyo. Explore your world..... kahit mahal natin ang isang tao... we can't move away from the fact na kailangan natin maging exposed... di ba? It's like a butterfly in a bottle of mayonnaise.. di makawala... di makita ng ibang tao ang kanyang kakayahan at kagandahan.... and even worse baka mamatay pa yun, di ba?

Sa mga probs na ganyan... alcohol and cigarettes don't work. Harapin mo na agad ang reality na nangyayari ang mga ganung bagay na hindi natin gusto. Pagsubok lang yan... hindi pa yan kamatayan. Funny coz lagi na lang sinasabi satin na The lord God won't give us problems na hindi natin masosolve... pero still parang nagbibingi-bingian pa rin tayo....natatakot pa rin tyo... Obstacles are what you see when you take your eyes off your goal. Ano ba talaga ang goal mo? Ang magmahal o magkaron ng gf/bf? If you chose the latter, hindi ka talaga magiging happy.... Stop looking for love.. start being lovable. Open your heart to pain.. coz with pain comes happiness.... happiness na hindi kaagad hahanap.. coz it slowly integrates from those little things that you do for love. Wear a smiling face always.... but dont smile alone... baliw ang tawag dun. What i mean is people tend to get close to those whom they know na masaya and maganda ang mindset.

Stop talking and thinking about failures and pain.... coz what you think would most likely attract you. But as always, its easier said than done.... tulad ko... ang dali kong sabihin to kasi im not in a not-so-nice situation.. pero natutunan ko tong mga to from my experience na rin eh... hindi naman talaga madali... pero hindi rin talaga mahirap. Its all in the mind and the heart. Kahit ano pang gawin sayo ng pag ibig..... always open your heart.... dapat laging alive....because you cannot love with a dead heart. Dont ever tell yourself na ikaw ang pinakakawawang nilalang sa pag-ibig.... pano na lang ang mga taong namatayan.... mas masakit yun di ba? Nagkataon lang talaga na iba iba tayo ng problema....



"Letting go of someone dear to you is hard, but holding on to someone who
doesn't even feel the same is much harder. Giving up doesn't mean that you
are weak! It only means that you are strong enough to let go!"

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

maganda yung second article. ^__^

may sense at habang binabasa ko para kong pinapagalitan ang aking sarili. ^____^ wakekekek!

Tuesday, June 14, 2005 5:50:00 AM  
Anonymous Anonymous said...

yah ryt,,, nakarelate yta ako.. ive been doing stupid things lately.. pero in the end pakiramdam ko wala nmng nabago..ngyon im trying my best n mahalin ang sarili so that "next time i fall in love i know better what to do.." (fav. line ko yan!!)
nice article..

Tuesday, September 27, 2005 11:24:00 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home